Tuesday, March 10, 2009

Board Member Randy Ignacio at Prov'l Assistant Agriculturist Peter Alfaro, sumuko na sa batas



Matapos ang halos anin na buwang pagtatago sa batas, sumuko sa mga awtoridad kahapon ng umaga Pebrero 16, 2009 ganap na alas 8:00 ng umaga sila Board Member Randolph "Randy" Ignacio, dating bokal at ngayon ay Provincial Asst. Agriculturist Peter Alfaro at Gaspar Bandoy Sr. close in security ni Former Mayor Joel "big J" Panaligan ng Mamburao.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ulysses Delgado RTC branch 44 Mamburao noong Setyembre 2008 sa kasong "Serious Illegal Detention" na isinampa sa kanila ng mga kaanak ni Romulo De Jesus Jr., isang public school teacher sa nabanggit na bayan.

Matatandaang sinampahan ng kasong Serious Illegal Detention sila Ignacio, Alfaro, Bandoy at Atty. Judy Lorenzo ng COMELEC sa ginawa nilang illegal na pag kulong kay De Jesus, kasagsagan ng bilangan noong 2007 local election. May mga hawak di umanong pekeng balota si De Jesus at involved sa ballot switching kaya nila ito ikinulong.
Ang tatlo ay sinamahan ni PNP PD P/Supt. Caessar Daniel T. Miranda sa kanilang pagsuko sa RTC branch 44 sa bayan ng Mamburao.

Nakakulong na sa Mamburao Provincial Jail sila Ignacio, Alfaro at Bandoy habang nakakalaya pa si Atty. Judy Lorenzo ng COMELEC. Walang inirekomendang bail ang korte sa kanila dahil heinous crime ang Serious Illegal Detention. Mariboy Ysibido

2 comments:

  1. Dapat kasama sa demanda ang lahat ng tao na nanonood noon sa palibot ng election precinct ni Romulo "Jun" de Jesus. At dapat kasama din sa demanda ang lahat ng naroroon na pulis at militar na nagbabantay kay Romulo "Jun" de Jesus. at dapat kasama lalo sa demanda ang pulis at militar na nag-escort kay Romulo "Jun" de Jesus patungo sa Municipal Canvassing na noon ay ginaganap sa Mamburao Municipal Compound. At ganoon din, dapat kasama din sa demanda ang mga tao na nasa palibot at nasa loob ng Municipal Canvassing at nanonood kay Romulo "Jun" de Jesus. Kawawa naman si Romulo "Jun" de Jesus noong panahon na iyon, hindi siya makauwi o makaihi kasi natatakot siya sa mga taong nagsisigawan sa labas ng kanyang election precinct na buksan na niya ang kanyang bag. Bakit nga ba hindi pa binuksan ni Romulo "Jun" de Jesus ang kanyang bag, eh 'yunlang naman ang kahilingan ng mga tao, para tingnan nga kung walang lamang mga balota. Ang problema, eh noong nagsearch na ang mga pulis sa loob ng Municipal Canvassing, naku! mayroon ngang mga balota sa loob ng bag ni Romulo "Jun" de Jesus. Kaya pala ibang-iba talaga ang kanyang hitsura noong mga panahon na iyon. Ah ganoon pala ang nangyari, makalipas ang tatlong araw na si Romulo "Jun" de Jesus ay idenimenda ni watcher Gaspar Bandoy, ay idenimanda naman niya sina Peter Alfaro, Randy Ignacio, Gaspar Bandoy at Atty. Judy Lorenzo ng Serious Illegal Detention. Susme! Ano ba talaga kuya???

    ReplyDelete
  2. mga tanga, lokohin nyo ang lolo nyong panot. wag na kayong magmalinis, public knowledge ang ginawa nyong kadayaan. kahit lahat ng kakampi ng mga villarosa eh alam ang ginawa nyong kadayaan, mahiya nga kayo sa inyong mag sarili, nkakatawa kayo eh. kng talagang wala kayong ginawang masama, bakit itinatago nyo si jun de jesus? wag kayong magsinungaling at baka tamaan kayo ng kidlat. nagkasala na kayo sa tao, nagkasala pa kayo sa diyos, patawarin kayo dahil d nyo alam ang inyong mga sinasabi. kng uso n namamatay ang mga sinungaling, eh bka matagal na kayong kinain ng lupa.

    ReplyDelete